Scared Heart Hiding Inside an In love Woman

DUWAG NA PUSO.



Nung pinakaunang makita kita, wala akong balak mapalapit sayo. You are like any other guys who I would just stare for a while, talk and throw some jokes at. I didn't know I captured your attention, which was not really my intention. Lumipas ang mga araw, dumating ako sa point na nakaramdam ng hindi maintindihan. Tila bang may humihila ng aking atensyon palapit sayo. You were maybe using the Law of Attraction towards me.  And it works perfectly, as if like I am drawn close to you for an unknown reason.
One event came, it was in a party, you were drunk. I was a bit tipsy. I remember everything. Nagbitaw ka ng salitang hindi ko aakalaing iyong masasambit. Nabanggit mong ako'y napakabait at kung maaari lang ay nais mo akong maging syota. Ako'y nabigla. Walang salitang nasambit sa ilang segundo na iyon. Sa isip ko, dahil sa ikaw ay nasa ilalim ng epekto ng alak, hindi mo alam ang iyong sinasabi. Ngunit bilang isang babae, pansamantala kong pinaniwalaan ang salitang iyon at sa pagsapit ng umaga, ako'y natauhan at napaisip na iyon ay wag bigyan kahulugan pagkat ang epekto ng alak ay hindi dapat pagkatiwalaan. Nang tayo ay magkita muli, walang bahid ng pagkailang. Ang turingang pagkakaibigan ay nanatili na parang wala kang may isinambit sa okasyong ikaw ay nasa epekto ng alak.
Dumating ang mga araw na nagmumulto ka. Tila bang nagpapakita ng pagpapahalaga sa akin na hindi binigyan ng kahulugan maliban sa isang pagkakaibigan. Nung ikaw ay magbakasyon, pumunta sa inyong probinsya, ikaw ay hindi nakalimot at nagbigay ng pasalubong. A gift I never expect from you since we are not that close. We barely talk. I was surprised and received the gift wholeheartedly and again, without any other meaning beyond friendship. Hindi kita nakitaan ng pagkahumaling sa akin kaya ako ay nanatiling patay malisya.
Isang araw, ikaw ay nag-aya na ako ay sumama sa inyong Team Building. At the second time around, I was surprised. I took advantage of the invitation knowing you will pay for the expenses and I will have a free travel before I take my vacation. In such event, you confessed with the effect of alcohol again. You firmly said you like me. Kahit dati pa man. Ang iyong pagmumulto ay hindi ko kinatakutan, ni hindi ko naramdaman kaya hindi ko binigyan ng kahulugan. Ngunit sa gabing iyon, habang ang buwan ay nakatago sa mga ulap na makakapal at ang ihip ng hangin ay kay lamig dulot ng ambon na dala ng gabi, ikaw ay nagbitiw ng salitang ako'y gustong gusto mo. Nais mo akong makilala ng lubosan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ako ba ay dapat na kiligin? Ako'y hindi sigurado sa naramdaman ko ng mga oras na iyon. Pagkat ako'y mayroong litaniya ng taong nais na mahalin, litaniya sa aking isipan na nasusulat ang kanyang kaanyoan at katangian. Ikaw ay hindi naroroon. Despite of the standards that I have set long time ago, I still said that I'll be giving you a chance. Hinayaan kong ikaw ay pumasok at mapalapit sa puso kong nananahimik. Kasalanan ko. Alam ko. Sa pagsapit ng umaga, ang iyong pakitungo ay nag - iba. I saw the gentlemanhood you have, the sweetness and the effort. I didn't expect much from you, because I don't want to be disappointed. Nasa isip ko rin na baka nakalimutan mo ang iyong mga nabitawang salita pagkat sa pangalawang pagkakataon ikaw ay nakapagbitaw ng salitang hindi kapanipaniwala ng may epekto ng alak, but then you proved me wrong.
Now, almost everyone knows, your friends and mine in a place where they know both of us. I feel that the world is putting weight on me. I feel pressured. Everyone seems to expect that we will soon be in a relationship, when in fact I am still unsure of how I feel towards you. I might just like the idea that someone is pursuing me and interested in me. I maybe just like the idea of being inlove, but don't even feel it. Your efforts in making me feel special is making my heart skip a beat. I didn't expect you to give me something in Valentine's Day, but you did. I was grateful. I felt special. I can say that it was one of the best Valentine's Day ever. I felt glad you made me special, but I was looking for a "kilig" feeling, but I didn't feel it. I like how obvious your feelings towards me. I love the courage you showed me when you initiate to see my father, to celebrate his birthday with you. That act was an old-fashioned that I admired the most, that I thought already died long time ago. I like how you were able to have an alive conversation with my father. I like the fact that you have the idea of moving close to where I live, so we can see each other more often. I like how you stalk my posts on Facebook or other social media. You might think I didn't notice those, but I really do. I like that you offered your place in Baguio with your family when you found out that me and my friend is going to Baguio. And I am glad because of that. I like that you want to go with us to spend time with me. I love how you are proud to show me off to your friends. I love that you are open in talking about your past relationship with me. And I also like the act of yours when you agree to go with me for a Christian fellowship/Bible Study with my circle of friends. I extremely appreciate those simple acts of yours.
Sa ngayon, ako nga lang ay naguguluhan, natatakot at nababagabag. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ikaw ba ay gusto ko or gusto ko lang ideya na ako'y gusto mo. Ako y natatakot na baka pagbinuksan ko ang bakuran ng aking puso at patuloy kang patuloyin ay ako ay tuluyan ng mahulog sa iyo at ako ay masaktan dahil sa ako'y magmamahal. Ako'y nababagabag sa tuwing iniisip ko ang iisipin ng ibang tao. Ang mundo ko ay matagal umikot sa sarili ko lang. Walang kasama. Walang kapaalamanan. Walang sumasakal. Walang obligasyon kaninoman. Malayang nagagawa ang mga bagay bagay. Nababagabag akong baka hindi ko magampanan ang obligasyon ng isang taong may karelasyon. Siguro nga ang puso ko ay hindi pa handang magmahal at masaktan. Siguro ako nga ay hindi pa nagmamahal. Siguro nga ang puso ko ay takot pa sa mga posibleng pagbabago na maaaring mangyari pagdating ng panahon. Puso ko ay hindi pa nakakatok ng malakas para ito'y tuluyang mabuksan. Puso ko'y hindi pa ganap na malakas para maging handang masaktan.
Ako'y takot pa. Pasensya na. Sana mapagod ka na. O sana ako ay magkaron ng lakas ng loob na harapin ka at sabihin, tama na. Hindi pa ito ang tamang panahon at ako ay hindi tamang tao para sayo. Ganun pa man, maraming salamat!!

Comments

Popular posts from this blog

Dear Future Husband,

To Be Like YOU

Before Anything Else (BAE)