Ang Diyos ang Susundo
Pagmamahal kailan man ay hindi magiging sapat.
Pagka't pagkukulang ang laging nakikita.
Suklian man ng kabutihan,
Tatanggapin ng bukas palad.
Ngunit maluwag ang pagkahawak.
Mabibitawan pagdating ng araw
Pagka't kailan man ay hindi napahalagahan.
Nakakapagod lumaban.
Nakakalugmok huminga.
Hindi makita ang dahilan ng pagpapatuloy.
Naglalakad ng nakayuko,
Hindi alam saan patungo.
Animo'y naliligaw na tupa.
Sa paglalakad ay bahagyang nadapa.
May mga kaibigang nakakita.
Ngunit, hindi tinulungan.
Sa halip ay napagtawanan.
Matutulog sa gabi.
Babangon sa umaga.
Asan ang saya?
Nalipasan ng ngiti.
Hindi maipinta ang hugis ng labi.
Parang may nakatali sa leeg na lubid.
Tatakasan ang mundo.
Hindi makayanan ang gulo.
Hindi mahabol pintig ng puso.
Anong kailangan ng pusong durog?
Kaibigang alam na ika'y bugbog;
At sanay magbubuo sa pagkatao.
Ngunit, hindi matanaw.
Puso'y sadyang uhaw.
May librong lumitaw.
Sulat ng tunay na nagmamahal.
Binuksan ang mga pahina.
Mata'y nagkaroon ng luha.
Batid ang pag-ibig na walang kapantay.
Puso'y nabigyan muli ng buhay.
Damdamin napuno ng galak.
Pagkukulang ay nahanap sa Kanyang mga salita.
Dahilan upang lumaban ay nahanap.
Dahilan upang huminga ay napagtanto.
Ako'y lalaban sa mundong ito.
Pagka't Siya ay may pangako.
Ako'y maghihintay ng Kanyang pagsundo.
Kelan po kaya ito?
Walang nakakaalam,
Ngunit ako'y maghahanda.
Originally Posted on Facebook March 29, 2018
Comments
Post a Comment